(Source: twitter.com)
Lakas Pinas!
May mas igaganda pa sana ‘tong video na ‘to pero ok na yan. Ang importante yung laman! Let’s go, Pilipinas! Sana hindi lang sa sports may ganto.
Anti-Epal Bill
http://newsinfo.inquirer.net/87821/sen-santiago-to-shame-vain-politicians-thru-%E2%80%98anti-epal%E2%80%99-bill
Tuwing makakakita kami ng waiting shed o kaya mga poste sa daan na may pangalan ng mga kongresista, inis na inis kami. Ang laging linya ng lola ko, “Sino ba yang mga yan, bakit sarili ba nilang pera yung ginamit para ipatayo yan?”

Ang kakapal rin ng mga mukha ng mga public officials para ilagay ang pangalan nila noh? Na parang galing sa sarili nilang bulsa yung pagpapagawa ng mga proyektong ‘yon. Isa pa yung mga tarpaulin na nagkalat sa daan ng mga pabati sa pasko, graduation, lahat na ng okasyon! Bukod sa hindi naman ito kailangan, nakakadagdag lang sa kalat at aksaya sa pondo.
Kaya nang makita ko ‘tong balitang ‘to. Natuwa ako eh. Sana talaga mapasa ‘tong bill ni Sen. Santiago na..
“An Act Prohibiting Public Officers from Claiming Credit through Signage Announcing a Public Works Project.”
Yun yon eh. CLAIMING CREDIT! Claiming credit when it shouldn’t be given to them. Dahil hindi yan kusang gawa, trabaho nila yan at pondo ng bayan ang gamit nila. Sabi nga ni Sen. Santiago, “This is unnecessary and highly unethical” at “promotes a culture of political patronage and corruption”. “..it diminishes the concept of continuity in good governance in the mind of the public”.
Ganyan. Ganyang mga susog ang dapat na pinapasa. Hindi yung mga “Anti-planking” at kung anu-ano pang kalokohan. Diba?
(Source: frenchpatata)
CHILDREN IN CONFLICT WITH THE LAW.
Ang mga batang ito ay produkto ng mga sirang pamilya, maling pagpapalaki ng magulang, maling exposure sa media at sirang pamayanang kinalakihan nito. Ang problema dito, PUNDASYON. Ang pundasyon ng mga batang ito, o kahit sino mang nilalang ay ang kaniyang mga magulang.
“Malaki ang implikasyon nito sa buhay mo.” -Lourd de Veyra
Kaya pag nagkaanak ako, hindi ko hahayaang maging ganyan siya.
(Source: youtube.com)
Asked by frenchpatatas-deactivated201212
Haha! Hello! Mahilig ka rin sa patatas? :))

Ito si Dagul.

Ito na siya ngayon :(

Kailan lang e matamlay siya. Nagulat na lang kami na bigla na lang siyang nagsusuka. Actually, kaninang umaga lang yun.

Hindi ko mapigilan yung luha ko kaninang umaga. Hindi ko kasi matanggap na umabot na naman sa ganitong sitwasyon yung asong napamahal sakin. Yung masakit dun yung nakikita mo siyang nahihirapan pero wala kang magawa. Hindi siya mawala sa isip ko buong araw, maski nung nasa school na ako. Pero hinanda ko na rin sarili ko kasi alam kong may taning na talaga siya.

Basta ang gusto ko lang naman maging masaya siya. Sana kung gagaling siya, gumaling siya. Pero kung hindi, sana matapos na yung paghihirap niya. Kung san man humantong ‘tong sakit niya, isa lang sana gusto kong malaman niya. Sana madama niya na mahal namin siya bago siya mawala. Sana alam niya kung gano niya kami napasaya.
Dagul, pagaling ka. Pagdasal niyo naman siya. Salamat. :)
(Source: frenchpatata)
“Ikaw magmamaneobra sa buhay mo. Kailangan kumilos ka, gumalaw ka para mayroon kang mapuntahan.”
Kilos kilos, Pinas.
(Source: youtube.com)